Ang Katotohanan (Lagim ng Buhay)
Monday, May 30th, 2005Bakit ayaw masaktan ang taong nanakit ng kalooban at nagdulot ng pighati? Bakit hindi magawang magbitaw ng masasakit na salita? Bakit hanggang ngayon ay iniisip ang kanyang kabutihan? Bakit patuloy na nanalangin ng kanyang tagumpay? Bakit patuloy na nangangamba sa kanyang kaligtasan? Martir ba o tangang kaibigan? Talagang hindi mapanira dahil pinalaki ng nanay na mapagmahal. Itong katangiang ito ang nagdulot ng mga maling agam-agam. Itong katangian ito ang nakapagdulot ng panghuhusga. Masakit ang katotohanang binalewala ng pinag-alayan ang lahat. Bakit patuloy na nanaghoy? Ang totoo ay bingi na ang mga tengang hinihingan ng pang unawa. Ang masakit ay naibigay na ang isang masakit na hatol. Isa ka nang masamang nilalang. Nanggamit at makasarili.
Sa pagkakataong ito ay nais na sumigaw at ipahayag sa lahat ang tunay na nasa puso. Wala namang makikinig. Walang maaawa. Walang kakalamay ng kalooban. Nag iisa. Animoy isang kaluluwang nilulunod sa lawa ng kalungkutan. Nararamdaman ang sakit. Ang mga sugat ay diniligan ng suka. Ang dugong umaagos ay nilagyan ng daluyan upang lalong sumulak ang malarosas ng likidong sumisimbulo ng buhay. Nauubos na ito. Natutuyo na ito. Unti- unting and buhay ay nagwawakas.
Sa huling hinga ay kakarampot na hangin ang sa ilong ay lumabas. Ang baga ay mahina na sa dahilang hinahabol nito ang huling bugso ng hinga. Madilim na ang paningin. Hindi na maaninag ang liwanag. Isang nakakatakot na pangitain ang bumalandra sa mga mata. Ang hugis ng taong taong may karet ng buhay ang sumasalubong. Ibinigay ang sarili. Nilaslas niya ang kalamnan. Ninakaw niya ang nag iisang yaman- Ang buhay. (To be continued.) (You are free to comment. Try to guess what happens next. You will be surprised. Wait after a month. You will know.)